Pormal nang nai-turn over ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang anim na airports sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kabilang sa mga paliparang ito ang Cotabato Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte Sanga-Sanga at Mapun Airports sa Tawi Tawi, Jolo Airport sa Sulu at Wao at Malabang Airports sa Lanao del Sur.
Nakasaad sa Memorandum of Agreement ng CAAP at BARMM na ang Bangsamoro Ministry of Transportation and Communications sa pamamagitan ng Bangsamoro Airport Authority ang magti-take over sa mga assets gayundin sa management at supervision sa mga airport.