Isusulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang visa free entry ng mga Pilipino sa Japan.
Sa gitna na rin ito ng rekomendasyon nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Sagip Party List Representative Rodante Marcoleta sa isinagawang pagdinig ng Commission on Appointments Committtee on Foreign Affairs na mapayagan ng Japanese government ang pagpasok ng mga Pinoy sa nasabing bansa ng walang visa.
Tiniyak ni Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Japan Mylene Garcia-Albano ang naturang rekomendasyon ng mga mambabatas.
Sa idinaos na bilateral talks ng Pilipinas at Japan kabilang sa priority ang visa free entry, food security, energy, health, education, trade and investment at tourism.