Mas lumala pa ang nararanasang rotational brownout ng Occidental Mindoro sa gitna ng nagbabadyang power shotdown sa lugar.
Sa panayam ng DWIZ, nilinaw ni Vice Governor Diana Apigo-Tayag ng nasabing lalawigan na apat na oras kada araw lamang sila may suplay ng kuryente.
Paliwanag niya, 14 megawatts lamang din kasi ang ibinibigay na suplay ng kuryente ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC).
Giit pa ni Tayag na napalaking dagok sa kanilang lalawigan ang nararanasang brownout dahil apektado nito ang sektor ng agrigultura.
Nilinaw naman ng vice governor na nagdeklara na sila ng state of power crisis sa kanilang probinsya kung saan nanawagan rin ito sa mga opisyal na tulungan sila kaugnay sa naturang usapin.