Naselyuhan na ang pagmamahalan ng 11 persons with disabilities (PWDs) couples sa pamamagitan ng tulong ng Taguig City government sa Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan.
Binigyang-diin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na pinatuayan nang ginanap na kasalang bayan na walang boundaries ang pagmamahalan kung saan tatlo sa mga pares ay kapwa PWDs, habang siyam na PWDs ang ikinasal sa mga walang kapansanan.
Sagot ng lokal na pamahalaan ang singsing, Arrhae, wine, cake, at venue ang nasabing event na inorganisa ng persons with Disabilities Affairs Office.
Ang nasabing kasalang bayan ay may temang “sa Lungsod ng Taguig, Kasalang Bayan para sa mga Taong may Kapansanan, Pwede!” at patunay ito na dapat makamit ng mga PWD ang kanilang karapatan tulad ng iba.
Photo courtesy: I Love Taguig