Inilunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-Hong Kong) ang telemedicine helpline para sa mga pilipino doon.
Ito’y dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection sa Hong Kong.
Pinapayuhan naman ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magparehistro lamang sa online para maka-avail ng libreng medical consultation.
Nakatakda namang idaos sa linggo, September 25 ang naturang telemedicine sa pamamagitan ng zoom.