Kumpirmadong mayroong mga suicide bombers sa Kuala Lumpur at Sabah matapos mag-leak ang isang police memorandum sa Malaysia hinggil dito.
Ayon kay Malaysian Police Inspector General Khalid Abu Bakar, bagama’t totoo ito ay hindi umano ito dapat inilabas ng Online News Portal na Malaysiakini.
Sinasabi sa memo na nag-deploy di-umano ang Abu Sayyaf at Islamic State in Iraq and Syria o ISIS ng 10 suicide bombers sa Kuala Lumpur at 8 sa Sabah.
Ito umano ang dahilan kaya lalo pang pinaigting ang pagpapatrolya ng mga otoridad sa mga naturang lugar.
Matatandaang pinugutan ng Abu Sayyaf ang bihag nitong Malaysian noong Martes na mariing kinondena ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.
By Jelbert Perdez