Sumampa na sa 13 ang patay sa Acute Gastroenteritis sa Iloilo City.
Ayon sa datos na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Martes.
Mula July 26 hanggang Sept. 20, umabot na sa 637 ang kaso ng Acute Gastroenteritis at Cholera sa lungsod, kabilang ang 19 na mga bago at 30 na aktibo.
Nakatakdang magbibigay ng Bakuna kontra Cholera at Gastroenteritis ang Iloilo City Health Office sa mga Barangay sa Lungsod na mataas ang kaso ng waterborne diseases.
Para magbigay ng tulong sa mga nagkakasakit ng Acute Gastroenteritis at Cholera sa Lungsod, inilunsad ng Regional Finance Service Office ng Police Regional Office 6 (PRO-6) ang “Strengthening Barangay and Police Partnership against Cholera.”
Nakatanggap ng food packs, vitamins, at gamot mula sa RFSO 6 ang mga nagkasakit na residente sa Barangay Zamora Melliza.
Ang Barangay Zamora Melliza ay nangunguna sa may pinakamaraming naitalang kaso ng Acute Gastroenteritis at Cholera sa lungsod.