Umabot na sa 1.46 million na turista sa Pilipinas ang naitala ng Department of Tourism (DOT) ngayong taon.
Ayon sa DOT, mas mataas ito kung ikukumpara sa naitala bago magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.
Nabatid na mula noong February hanggang nitong September 20, lumagpas na sa inaasahang target na bilang ng DOT ang dumating na mga turista sa bansa.
Sinabi ng DOT, na malayo ito sa 164,000 na mga turista na dumating sa Pilipinas noong nakalipas na taon, dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na restriksiyon.
Dahil dito, target ng DOT na malagpasan ang 8.3 million tourist arrival na naitala naman noong taong 2019.