Tampok sa isang exhibit ang mga obra ng Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Marikina City Jail-male dormitory.
Naka display ang nasa 40 paintings sa 22nd National Association of Dental Traders Inc. (NADTI) trade exhibit sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.
Naging posible ang naturang exhibit dahil sa pakikipag-ugnayan ng Marikina City Jail-male dormitory sa isang non-profit organization na Obra Maestra Art and Culture Inc.
Ayon kay Marikina City Jail Warden Chief Inspector Joseph Bustinera, nagsimula ang inisyatibang “painting behind bars” bilang art therapy na kalaunan ay naging pangkabuhayan na ng ilang inmates.
Magtatagal ang exhibit mula martes hanggang huwebes at lahat ng kikitain dito ay mapupunta sa mga pdl artists bilang tulong para sa kanilang mga mahal sa buhay sa labas ng kulungan.
Maliban sa mga PDL artists, bida rin sa exhibit ang 27 pang newbie artists. - sa panunulat ni Hannah Oledan