Naabot na ng National Capital Region (NCR) ang target na bilang ng mababakunahan sa PinasLakas vaccination campaign ng Department of Health (DOH).
Batay sa datos ng DOH-Metro Manila Center for Health Development o MMCHD-DOH, umabot na sa 90% ng mga senior citizen sa Metro Manila ang nakatanggap ng initial dose ng bakuna habang 50.04% ang nakatanggap ng kanilang booster shot.
Tiniyak naman ni MMCHD-DOH assistant regional director Dr. Aleli Sudiacal na patuloy ang pagbabakuna sa bansa lalo’t isang rehiyon pa lamang ang nakaabot sa target.
Matatandaang una rito, ibinaba ng DOH sa 30% ang target na booster coverage sa bansa mula sa 50% na itinakda hanggang October 8.