Pinarerepaso sa senado ni senator Sherwin Gatchalian ang paggamit ng Filipino Sign Language o FSL bilang language of instruction o wika sa pagtuturo sa deaf education.
Kasabay ito ng paggunita ngayong araw ng International Day of Sign Language.
Sa Senate Resolution No. 14, napansin ni Gatchalian na hindi naipatutupad nang maayos ang mga batas na nagbibigay halaga sa FSL, kabilang na ang Filipino Sign Language Act o Republic Act No. 11106 na naisabatas noong 2018.
Bukod aniya sa paggamit ng FSL bilang language of instruction sa deaf education, mandato rin ng FSL Act na gawing opisyal na wika ang FSL sa lahat ng transaksyong may kinalaman sa mga bingi.
Samantala, pinuna rin ni Gatchalian ang kakulangan ng teacher training para sa FSL, mobilization ng mga deaf teachers at ng mga FSL materials.