Nakauwi na sa bansa ang 353 na distressed Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Saudi Arabia.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), bahagi ito ng 800 at iba pang distressed OFW na pinauwi partikular na may karamdaman.
Lumapag na sa NAIA Terminal 1 ang eroplanong sinasakyan ng mga balik-bayang OFW ng Philippine Airlines Flight galing sa Jeddah.
Habang, pinangunahan naman ni OWWA Deputy Administrator Attorney Honey Quiño ang pagsalubong sa mga OFW na kung saan sumailalim mula sa de-briefing bago ihatid sa kani-kanilang tahanan.- sa panunulat ni Jenn Patrolla