Inaresto ng mga operatiba ng NBI-Anti-Violence against Women And Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang indibidwal dahil sa kasong human trafficking o pambubugaw sa mga menor de edad na babae edad 15 hanggang 23.
Kinilala ang mga suspek na sina Ronneth Tolentino Y Montealegre alyas “Trixie” at Rent Tumbali alyas “RB”.
Tinatayang nasa P5,000 hanggang P10,000 naman ang bayad para sa pakikipagtalik, depende sa edad at sexual services.
Naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag usap ng tauhan ng NBI-AVAWCD sa facebook account nina Trixie Tolentino at Rb Tumbali na nagkasundong makipagkita sa isang fastfood chain sa antipolo kung saan sila nadakip habang inaalok ang mga babaeng sakay ng van.
Nasagip sa operasyon ang nasa 8 babaeng biktima kung saan 5 rito ay menor de edad pa lang.
Kasalukuyang nakasalang para sa inquest proceedings ang mga suspek sa Department of Justice (DOJ) para sa paglabag sa expanded anti-trafficking in persons act of 2002. - sa panunulat ni Hannah Oledan