Inihayag ng Commission on Audit (COA) na mas mababa ng P 845-M sa kasalukuyan ang panukalang budget nito para sa taong 2023.
Ayon kay Stella Quimbo, House Appropriations Panel Senior Vice Chairperson, naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P13.8-B para sa COA para sa susunod na taon, na mas mababa kaysa sa P 14.6 -B badyet ngayong taon.
Dagdag ni Quimbo, lubos itong makakaapekto sa operasyon ng sampung provincial satellite audit offices.
Nanawagan naman si Kabataan Party-List Representative Raoul Manuel na dagdagan ang badyet ng COA dahil sa malaki nitong ambag sa gobyerno lalo sa pagpigil sa korapsyon.- sa panunulat ni Hannah Oledan