Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang 8.2 socio-economic agenda ng kanyang administrasyon na layuning bawasan ang insidente ng kahirapan at iangat ang bansa sa upper-middle-income status.
Sinabi rin ni PBBM, na tutugunan nito ang epekto ng lumalaking inflationary measure bunsod ng pagtaas ng pandaigdigang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at gasolina.
Titiyakin din aniya ng gobyerno ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagpapalakas ng lokal na produksyon ng pagkain.
Ipagpapatuloy rin ng administrasyon ang pagbibigay ng suporta para sa mga sektor na pinaka-apektado ng oil price hike.
Kumpiyansa ang pangulo na mahihigitan pa ng bansa ang mga kapitbahay nito sa asya sa usaping ekonomiya.
Pinasalamatan ng punong ehekutibo ang filipino community para sa kanilang suporta at kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Nagbigay din ng talumpati ang pangulo sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly noong Martes, kung saan itinaas niya ang agarang aksyon sa pagbabago ng klima at seguridad sa pagkain.- sa panunulat ni Hannah Oledan