Suspendido na muna ang mga biyahe ng barkong patungong Mindoro dahil sa malakas na Bagyong Karding.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG-Balanacan sa Mogpog, Marinduque hindi muna pinaalis ang mga barko sa Balanacan Port para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Samantala, hindi na ring pinayagang bumiyahe ang mga barko sa Calapan Port sa Oriental Mindoro at sa Batangas Pier nitong September 24 ng hapon matapos isailalim ang lalawigan sa Signal no. 1.
Gayunman, hindi pa matiyak ng PCG ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga nasabing daungan. — sa panulat ni Jenn Patrolla