Nakabalik na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa 6 na araw nitong working visit sa Amerika.
Dumating sina pbbm at iba pang kasamahan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 dakong alas- 6 ng umaga kanina.
Sinalubong naman siya ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nangasiwa sa buong bansa habang nasa Amerika ang pangulo.
Binigyang-diin din ng pangulo sa kanyang arrival speech ang mga naging aktibidad at acheivements niya sa kanyang week-long visit sa u.s. mula September 18 hanggang 24.
Aniya, agad itong nakipagkita at nagpasalamat sa filipino community sa new jersey para sa kontribusyon ng mga ito sa Pilipinas at Estados Unidos.
Kabilang sa mga global issues na nabanggit ni PBBM ay ang climate change, pagtaas ng presyo ng pagkain, rapid technological change, peaceful resolution of international disputes, pagprotekta sa mahihinang sektor, at pagtuldok sa lahat ng uri ng pagtatangi. - sa panunulat ni Hannah Oledan