Napawalang-sala na si Ex-Batangas Mayor Cristeta Reyes sa graft charges na isinampa sa kanya kaugnay ng pagbili ng lupa na pag-aari ng mga anak nito.
Sa isang 36-page decision, ipinawalang-sala rin ng Sandiganbayan iv Division ang dalawa pang akusado na sina Yolanda Cabiscuelas dating municipal treasurer at Jeanette Fruelda, dating budget officer.
Nag-ugat ang kaso sa biniling 5,000 square-meter property ng Malvar Municipal Government na nagkakahalagang 6.65- M na gagamitin sa konstruksyon ng national high school building.
Sinabi naman ni Associate Justice Lorifel Lacap Pahimna, walang nakitang legal na basehan ang korte sa umano’y pinsalang naidulot nito sa gobyerno at nabatid na nasunod ng nasabing property ang minimum requirements na kailangan para sa pagpapatayo ng national high school.
Ayon pa sa korte, ang titulo ng lupa ay nailipat na sa Municipal Government ng Malvar. - sa panunulat ni Hannah Oledan