Sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang pasok sa trabaho sa ilang lugar sa Luzon dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod ng super typhoon karding.
Sa abiso ahensya, epektibo bukas, September 26 ang ork suspension sa Region 3, 4-A, 4-B, 5 at National Capital Region (NCR).
Inabisuhan naman ng COMELEC ang publiko na suspendido rin ang pagbibigay ng voter’s certification at lahat ng frontline services sa mga nasabing lugar