Handa na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa posibleng epekto ng super typhoon Karding.
Ayon kay BJMP spokesperson jail superintendent Xavier Solda, may preemptive measure na silang ginawa bilang bahagi ng protocol tuwing may bagyo.
Una na rito ang paglipat ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nasa low-lying areas sa ibang pasilidad.
Sinabi naman ni Solda na naka-monitor din si interior secretary Benhur Abalos sa sitwasyon ng jail facilities sa panahon ng bagyo.