Pumalo na sa 10 barangay ang bilang ng mga apektadong residente bunsod ng bagyong Karding sa San Mateo Rizal.
Ito ay matapos pumalo sa 21.58 meters ang lebel ng tubig sa Batasan Bridge.
Ayon sa San Mateo Rizal Public Information Office (PIO), nasa kabuuang 850 na apektadong pamilya o katumbas ng 3,760 na indibidwal ang nagsilikas sa mga covered court bunsod ng nararanasang patuloy na pag-ulan na dala ni bagyong Karding at Hanging Habagat.
Kabilang sa mga apektadong residente na lumikas ang 221 pamilya sa brgy. Sta Ana; 273 na pamilya sa brgy. Maly; 9 na pamilya sa brgy. Malanday; 24 na pamilya sa brgy. Guinayang; 71 na pamilya sa brgy. Dulong Bayan 1; isang pamilya sa brgy. Dulong Bayan 2; 33 sa brgy. Banaba; 7 sa brgy. Guitnang Bayan 1; 16 sa brgy. Guitnang Bayan 2; 32 sa brgy. Ampid 1; at 73 naman sa brgy. Ampid 2.
Samantala, naglabas naman ng emergency hotline ang pamahalaang loka ng San Mateo Rizal sakaling magkaroon ng anumang untoward incident ay tumawag lang sa mga numerong: (02) 8297-8100 local 129-131.