Ibinabala ng Phivolcs ang posibleng pag-agos ng lahar mula sa Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay dahil sa pag-ulang dala ng Typhoon Karding sa Bicol Region.
Pinag-iingat ni Paul Karson Alanis, Phivolcs resident volcanologist sa Legazpi City ang mga residente sa tabi ng mga ilog at paanan ng bulkan laban sa posibleng pag-agos ng lahar.
Ito’y kung magpapatuloy ang malakas na ulang dala ng bagyo at habagat.
Sa Guinobatan, inalerto na ni Mayor Paul Chino Garcia ang mga kapitan ng barangay at residenteng naninirahan sa paanan ng mayon sa posibleng evacuation kung hindi huhupa ang masamang panahon.
Sa kabila nito, nananatili ang nasabing bulkan sa Alert level 1.