Bumaba na ang lebel ng tubig sa Marikina river.
Ayon sa Marikina Public Information Office, nasa 16.9 meters na lamang ang water level sa naturang ilog hanggang kaninang alas-8 ng umaga.
Bandang alas-2 ng madaling araw ay umabot ang lebel ng tubig sa 18.4 meters dahilan kaya’t iniakyat ito sa third alarm.
Samantala, nananatiling bukas ang walong gates sa manggahan floodway at nakataas pa rin ang ikalawang alarma sa Marikina river.