Nagpatupad na ng forced evacuation ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa ilang flood-prone area dahil sa epekto ng bagyong Karding.
Kabilang sa mga sapilitang inilikas ang nasa 1,800 kataong naninirahan sa tabi ng creek sa barangay Bagong Silangan na nagpalipas sa Bagong Silangan Elementary School, ilan pang residente ng barangay Tatalon at Batasan Hills.
Isa sa mga sanhi ng pagbaha ang pag-apaw ng tubig sa mga ilog Marikina at Tullahan.
Nalubog din sa baha ang ilang bahagi ng kanto ng A. Bonifacio at Araneta Avenues habang lagpas gutter din ang tubig sa Valencia St. sa Barangay del Monte.
Nanawagan naman si Mayor Joy Belmonte sa mga residente na iwasan munang bumalik sa kanilang bahay hangga’t walang abiso ang lokal na pamahalaan.