Balik operasyon na ang mga tren matapos manalasa ni super typhoon Karding ngayong araw.
Balik sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3), kung saan umarangkada ito kaninang alas-4:36 ng umaga sa North Avenue station at alas-5:18 ng umaga sa Taft Avenue station.
Itinakda ang last trip ngayong Lunes mamayang alas-9:30 ng gabi sa North Avenue station at alas-10:11 ng gabi sa Taft Avenue station.
Maliban dito inanunsyo naman ng Light Rail Manila Corporation na balik-operasyon na ang Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) sa 19 na istasyon mula Baclaran hanggang Balintawak kaninang alas singko ng umaga.
Umarangkada na rin muli ang LRT-2, kung saan walong tren ang bumibiyahe hanggang kaninang alas-7:25 ng umaga.
Samantala, ilang biyahe naman ng Philippine National Railways (PNR) ang umarangkada na rin ngayong araw.