Itinutulak ni Senador Sherwin Gatchalian ang karagdagang pondo para labanan ang lahat ng uri ng human trafficking kabilang na ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).
Pinuna ni Gatchalian ang halos 35% tapyas sa pondo sa pagsugpo sa naturang krimen para sa susunod na taon.
Una rito, 59 million pesos na lang ang inilaang pondo para sa kampanya laban sa human trafficking para sa susunod na taon mula sa 90 million pesos na pondo ngayong taon.
Inamin naman ni Justice Undersecretary Nicky Ty, ang pagtapyas sa pondo ay makakapekto sa tier 1 rating ng Pilipinas sa Anti-Trafficking in Persons Report for 2022 ng Amerika.
Samantala, iginiit ni Gatchalian na nananatili pa ring banta ang human-trafficking sa mga Pilipino at sa bansa dahil sa pagiging talamak nito. – sa panulat ni Hannah Oledan