Nagsiuwian na ang ibang evacuees sa Polillo Island sa probinsiya ng Quezon sa kanilang mga bahay.
Sinabi ito sa DWIZ ni Polillo Mayor Angelique Bosque.
Ayon kay Bosque, maaliwalas na ang panahon sa kanilang lugar at kalmado na ang karagatan.
Ngunit hindi pa rin aniya maaaring pumalaot o lumakbay ang mga mangingisda dahil wala pang go-signal mula sa mga otoridad. – sa panulat ni Hannah Oledan