Nag-ikot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Karding.
Sa mga larawang ibinahagi ng pangulo sa Twitter post nito, ipinakita niya ang mga lugar na nalubog sa baha partikular sa Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.
Nais umano ng pangulo na makita ng personal ang lawak ng danyos ng bagyo na unang naipaulat bilang super typhoon.
Hindi naman bumaba sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo ang pangulo dahil ayaw nitong maantala ang isinasagawang rescue at humanitarian operations ng Local Government Units (LGUs) at mga otoridad.
Magtatakda na lang aniya siya ng araw sa pagpunta sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyo.
Samantala, agad namang ipinag-utos ng pngulo ang pag air-lift sa mga immediate needs para sa mga residente ng Polillo Islands na una nang hinagupit ng bagyo. – sa panulat ni Hannah Oledan