Umabot na sa 52,000 indibidwal ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay Raffy Alejandro, Deputy Spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bineberipika na nila ang limang nasawi sa bulacan dahil sa bagyo na pawang mga rescuers habang isa ang nawawala sa Camarines Norte.
Umabot naman sa 43 pantalan sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol lregion ang nagsuspinde ngayong araw ng operasyon dahil sa bagyo na nakaapekto sa 2,882 pasahero.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ang pagkawala ng kuryente at linya ng komunikasyon sa Quezon at Camarines Norte.
Ang mga lugar na nananatili pa ring lubog sa baha ay ang ilang parte ng Gapan, Nueva Ecija na kasalukuyan nang inaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).