Walang naitalang damage ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon sa pamunuan ng MIAA, nagsagawa na ng clearing operation ang kanilang engineering at operations teams sa airside at landside areas ng NAIA.
Ininspeksyon din ang mga runways at taxiways para alamin kung may mga nakaharang na maliliit na kalat.
Lubos naman ang pasasalamat ni MIAA General MAnager Cesar Chiong dahil wala silang naitalang power at water interruption at maging ang nasugatang indibdiwal.
Sa datos noong Linggo, aabot sa 41 biyahe sa naia ang kinansela dahil sa bagyo habang nasa 161 biyahe ang na-delay ng dalawang oras.