Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad tugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilyang lumilikas sa mga evacuation centers tuwing may kalamidad.
Kasunod ito ng pananalasa ng bagyong Karding kung saan, nalubog ang ilang lugar sa Luzon.
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, kanilang aalamin ang karaniwang itinatagal ng mga evacuee o mga pamilyang nasiraan ng tirahan at nananatili parin sa mga evacuation area dahil sa bagyo.
Layunin ng pamahalaan na maipagpatuloy ang paghahatid ng tulong kabilang na ang pagbibigay ng foodpacks sa mga pamilyang apektado ng bagyong Karding.
Bukod pa dito, hiniling din ng Pangulo sa ahensya na magtatag ng mga evacuation centers sa bawat lugar sa bansa para sa mga pamilyang naaapektuhan tuwing may bagyo.