Muling nagpaalala sa publiko ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na huwag pabayaan o iwanan at isama sa paglikas ang kanilang mga alagang hayop sa gitna ng kalamidad.
Kasunod ito ng muling pag-alala ng ahensya sa trahedyang nadatnan ng mga miyembro ng PAWS nang bumisita sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyong Ulysses kung saan, maraming mga bangkay ng hayop ang nakitang nakatali at nakakulong sa gitna ng pagbaha.
Ayon sa PAWS, dapat masiguro ng mga may-ari ang kaligtasan ng kanilang mga alagang hayop sa tuwing may sakuna tulad ng bagyo.
Dahil dito, muling nanawagan ang PAWS na alisin ang kadena ng inyong mga alagang hayop o i-unlock ang kanilang mga kulungan kung hindi ito kayang ilikas sa panahon ng emergency o mga sakuna.
Iginiit ng PAWS na karapatan ng mga hayop na mabigyan sila ng pagkakataong maging malaya at makipaglaban para sa kanilang mga buhay.