Halos 90% ng mga bahay at ilang paaralan sa paanan ng Sierra Madre sa General Nakar, Quezon ang napuruhan sa pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Erberto Astrera, grabe ang sinapit ng kanilang bayan dahil halos lahat ng bubong ng mga bahay at paaralan ang winasak ng malakas na hangin.
Kabilang anya sa mga napinsala ang Umiray Elementary School sa barangay Umiray, na pinaka-malayong barangay sa General Nakar at nasa boundary ng Dingalan, Aurora.
Sa datos, halos 6k residente sa naturang bayan ang apektado ng kalamidad.
Hindi naman gaanong nagtamo ng pinsala ang iba pang barangay sa General Nakar.
Mayorya ng nasabing bayan ay bahagi ng Sierra Madre na pinaka-mahabang mountain rage sa bansa na aabot sa 540 kilometers o mula sa lalawigan ng Cagayan hanggang Quezon.