Nananatiling sarado ang siyam na kalsada sa Luzon dahil pa rin sa bagyong Karding.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, apat na kalsada ang hindi pa rin madaanan sa Central Luzon, dalawa sa Cagayan Valley at tig-isa sa Ilocos Region, CALABARZON, at Cordillera Administration Region.
Limitado naman ang access sa tatlo pang mga kalsada dahil pa rin sa pagbaha sa Apalit-Macabebe-Masantol Road sa Pampanga; Olangapo-Bugallon Road, sections sa Sindol, San Felipe; San Rafael, Cabanang, Zambales; at Rizal Boundary-Famy-Quezon boundary Road.
Tiniyak naman ni Public Works secretary Manuel Bonoan na pinaigting na nila ang kanilang clearing operations upang maibalik ang mobility at bilang suporta na rin sa relief operations ng pamahalaan sa mga lugar na lubhang pinadapa ng bagyo.