Itinalaga bilang pinuno ng Commission on Human Rights (CHR) sa ilalim ng 6th Commission en Banc si dating FIO head Beda Epres.
Ayon sa CHR, pitong taong magsisilbi si Epres mula 2022 hanggang 2029, kapalit ni retired Commissioner Roberto Eugenio Cadiz.
Dagdag pa rito, ang matibay na pundasyon at karanasan sa gawaing pagsisiyasat ni Epres ay nagpapakita na karapat-dapat itong maging commissioner nila.
Samantala, kinumpirma ito ng palasyo kung saan ang appointment letter na may petsang September 15, 2022 ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. At nai-transmit sa CHR noong September 21, 2022.