Patay ang isang lalaki sa Tanay, Rizal habang pinaghahanap naman ang dalawang iba pa matapos matangay ng ilog sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding.
Kinilala ni Tanay Police Chief, Lieutenant Colonel Rodolfo Santiago II ang nasawi na si Arthur Panes, 75 anyos habang nawawala sina Aimy Panes at Carlo Laurel at nailigtas si Aika Laurel, pawang residente ng Barangay San Isidro.
Tumatawid ang lima sa Lanatin River dakong alas-nuwebe ng gabi noong linggo nang tangayin ang mga ito ng malakas na daloy ng tubig.
Lunes na nang makita ng mga rescuers ang bangkay ni Arthur habang ang sanggol naman na si Aika ay nakitang buhay at nakasabit sa mga kawayan sa gilid ng ilog.
Sa ngayon, tuloy ang pagsasagawa ng search-and-rescue operations ng mga otoridad upang mahanap ang mag-amang sina Carlo at Aimy.