Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ang bagyong may international name na In-Fa.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,670 kilometro, Silangan ng Samar.
Taglay ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 210 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang-Kanluran, sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Samantala, apektado naman ng Inter-Tropical Convergence zone ang Mindanao.
Sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo, tatawigin itong Marilyn.
By: Drew Nacino