Arestado ang 75 taong gulang na American passenger na dumating sa bansa matapos na ito’y magtangkang magpuslit ng 3.7 kilos ng high-grade na Cocaine.
Ayon kay Airport Customs District collector Carmelita Talusan, ang suspek ay nakilalang si Stephen Joseph Szuhar, na dumating sakay ng Qatar Airways Flight QR 932 galing sa São Paulo, Brazil via Doha, Qatar, at dumating sa NAIA Terminal 3, Martes ng gabi.
Matapos ang inspeksiyon na isinagawa ng pinagsanib-pwersa ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency, Airport Police at Philippine National Police Aviation Security Group. Nakita sa kanyang bagahe ang 3.7 kilos ng Cocaine na itinangkang ipuslit sa bansa.
Umamin naman ang suspek na siya ay babayaran ng hindi pinangalanang courier o contact sa São Paulo, Brazil, na nagpadala ng bag na naglalaman ng droga.
Kasalukuyang isinasagawa ng mga awtoridad ang inbentaryo habang inihahanda ang kaukulang demanda laban sa 75 taong gulang na American national na nagtangkang magpuslit ng cocaine sa ating bansa.
Tinatayang aabot sa P19.6-M ang halaga ng cocaine na nasabat sa paliparan. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)