Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 21 sa kanilang mga pasilidad ang napinsala ng Bagyong Karding.
Gayunman, nilinaw ni DOH Officer-In-Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire na minor damages lamang ang natamo nito.
Tiniyak naman ni Vergeire na hindi napinsala ang mga pinag-iimbakan ng mga COVID-19 vaccine.
Nakipag-ugnayan na anya sila sa kanilang regional officer upang mapabilis ang pagsasaayos ng mga napinsalang facilities. —sa panulat ni Jenn Patrolla