Agad na aprubahan sa bicameral conference committeee kagabi ang Senate Bill number 1310 o SIM Registration biill.
Matapos na makalusot sa ikatlo at pinal na pagbasa ng senado ang naturang bill kagabi agad itong isinalang sa bicam at mabilis na naaprubahan makaraang mareconcile ang disagreeing provision o magkaibang probisyon sa pagitan ng naipasang bersyon ng senado at kamara.
Ayon kay senator Grace Poe, sponsor at isa sa mga author ng nabanggit na bill, raratipikahan nila sa sesyon mamayang hapon ang bicam report para maipadala na ito sa Malacanang para sa paglagda ng pangulo.
Samantala sinabi ni Senator Win Gatchalian na oras na maging ganap na batas na ang SIM Registration bill inaasahang makakatulong ito sa pagsugpo ng iba’t ibang uri ng cybercrime gaya ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan o identity theft at paglaganap ng mga mensaheng spam at phishing.
Ang pagpaparehistro ng SIM ay magbibigay daan anya para itatag ang pagkakakilanlan ng mga SIM card users at inaasahan matutugunan nito ang problema ng pagtaas ng mga insidente ng krimen na may kinalaman sa paggamit ng mga SIM card.
Magiging madali na para sa mga awtoridad na matukoy ang mga kawatan o grupong gumagawa ng online crimes.
Ayon kay gatchalian ang mga telecommunications companies, na madalas na sinisisi sa ilang mga cyber atrocities ay nagsabi na rin na ang SIM card registration ay makakabawas nang husto sa spam at phishing text messages.
makatutulong din anya ito sa pagtugon sa isyu ng iligal na pagbebenta o pautang ng mga mobile o e-wallet account.
ang mga cyber criminal ay karaniwang anyang gumagamit ng mga e-wallet account na hindi nakarehistro sa ilalim ng kanilang mga pangalan sa pagsasagawa ng mga cyber crimes bagay na mapipigilan sa mandatory na pagpaparehistro ng mga SIM card.
Ang panukala ay magpapalakas din ng kumpiyansa ng publiko na magsagawa ng mga digital na transaksyon at mabawasan ang takot na makatagpo ng mga masasamang grupo o indibidwal na gumagawa ng mga cyber crime.