Maaaring irekomenda ng Department of Health (DOH) sa Malacañang na bawiin ang Executive Order para sa optional na pagsusuot ng face mask matapos makapagtala ng 17,891 na katao na bagong tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon sa DOH, halos 800 na ang malubha at kritikal na pasyente ang mga nasa ospital.
Tinitignang dahilan ng kagawaran sa pag-taas ng kaso ng COVID-19 ang face-to-face classes.
Pina-alalahanan naman ang publiko na mag-ingat at dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng alert level 1.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla