Umabot na sa kabuuang P23,050,000 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng bagyong Karding sa Ilocos, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayorya ng pinsala ay naitala sa Cordillera na umakyat na sa P19.6 million; sinundan ng MIMAROPA, P3 million; at Ilocos, P450k.
Pumalo naman sa P108,837,409.87 ang pinsala sa agrikultura ng bagyo sa Ilocos, CALABARZON, Bicol, at CAR.
Samantala, nakapagtala naman ang National Irrigation Administration ng P1.3 million na halaga ng pinsala sa Bicol.