Pagpapatibay sa kasong kriminal laban sa driver na bumundol sa senior citizen na streetsweeper sa Paranaque, ipinanawagan sa PNP at LTO
Inapela ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Ordones sa PNP-NCRPO Southern Police District at sa Land Transportation Office (LTO) na gawing matibay ang kasong kriminal laban sa driver ng sasakyang bumundol sa 63 taong gula na si Lola Doreen Bacus isang streetsweeper sa isang subdivision sa Paranaque City
Ipinanawagan din nito sa LTO na agad na kumpiskahin at kanselahin ang drivers liscense ng suspek at i-impound ng PNP Highway Patrol Group ang sasakyang ginamit ng driver bilang ebidensya
Nabatid na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon si Lola Doreen ngayon at naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH).
Habang ang suspek naman ay nakaditene sa Parañaque Traffic Management Bureau para sa imbestigasyon.