Pinagmulta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng P9.2 million ang Maynilad dahil sa serye ng water interruption na naka-apekto sa maraming consumer.
Ang naranasang interruptions maging ang ilang water quality issues ay namonitor ng MWSS noong Mayo hanggang Hulyo sa ilang bahagi ng Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa Cities at lalawigan ng Cavite.
Ipatutupad ang penalty sa nobyembre sa pamamagitan ng bill rebates sa mga apektadong Maynilad customers.
Tiniyak naman ng Maynilad na susunod sila sa desisyon ng MWSS subalit iginiit na algal bloom o pagdami ng lumot sa Laguna de bay ang dahilan ng problema, na hindi umano nila kontrolado.