Sumampa na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Karding.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 8 pa lamang sa nasabing bilang ang nabeberipika sa ngayon.
Ayon sa NDRRMC, hindi pa nakukumpirma ang isang nasawi sa Zambales, 1 sa Antipolo, Rizal at 1 sa Tanay, Rizal.
5 namang mangingisda ang napaulat na nawawala sa Mercedes, Camarines Norte at 1 indibidwal mula sa Antipolo, Rizal.
Nasa 640,963 indibidwal o 176,337 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 1,372 barangays sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Cordillera.