Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang ilang mga ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil sa nakikitang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng na-oospital dahil sa COVID-19.
Bagaman mababa sa 50 % ang hospitalization rate sa bansa ay patuloy pa ring mino-monitor ng kagawaran ang mga naturang lugar.
Nabatid na nasa moderate risk classification ang COVID-19 sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng naturang mga kaso.