Pumalo na sa P 2.02 -B ang pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura ng bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang kaninang alas-8 ng umaga, mas mataas ang tala sa P 1.97 -B na naitala noong miyerkules ng umaga.
Nadagdag sa datos ang karagdagang ulat na naapektuhang pananim ng palay, alagang hayop at mga isda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas.
Sinabi pa ng DA na umabot na ngayon sa 91, 944 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, sa hiwalay na datos ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng DA, pumalo sa 150, 693 ektarya ng pananim ang nasira sa CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas na may kabuuang production loss na 117, 663 metriko tonelada.