Sinimulan na ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City ang pag-imprenta ng balota at iba pang forms, para sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ay kahit naaprubahan na ang panukalang ipagpaliban ang bske at isinusulong na I-usog sa taong 2023.
Nanguna sa unang araw ng pag-imprenta ang mga opisyal ng NPO at Commission on Elections (COMELEC) sa pangunguna ng kanilang chairman na si George Garcia at Commissioner Rey Bulay.
Sa ngayon, inaasahang aabot sa 91 – M balota ang ipapalabas sa eleksyon kung saan bawat balota ay naglalaman ng pataas na serial number bilang dagdag sa security feature.