Karagdagang 2,536 covid-19 cases ang naitala kahapon kaya’t sumampa na sa 3,945,566 ang kabuuang kaso sa bansa.
Naitala ng DOH ang bagong daily tally, dalawang araw matapos sumadsad sa below 2,000 ang mga bagong kaso.
Bahagya ring umakyat sa 28,172 ang aktibong kaso kahapon kumpara sa 27,553 noong Miyerkules.
Tumaas din sa 3,854,478 ang recoveries habang sumampa na sa 62,916 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyong may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo, 13,962; na sinundan ng Calabarzon, 5,307; Central Luzon, 2,794; Davao Region, 1,323 at Western Visayas, 808.