Nagsagawa ng Bakunahang Bayan Special COVID-19 Vaccination Days ang Department of Health (DOH) sa mga homeless people sa Quezon City.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, bahagi ng kanilang programa ang homeless families na madali ding tinatamaan ng COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na bukod sa bakunahan, inaalam na rin ng kanilang ahensya ang iba pang problemang pangkalusugan ng mga homeless people, gaya ng malnutrisyon, at routine immunization.